July 26, 2017

A Priest’s Dilemma

Sa mga hindi po namin nahi-heal at naba-buffs:

Pasensya na po kung hindi ka na-heal at na-ab. Sa maniwala ka po or sa hindi, kaming mga pari gusto naming i-baps lahat ng makakasalubong namin.

Ang problema, limited po ang SP namin. Tapos may mga pari pa na tulad ko na lvl 73 na, wala pa ring shoes[1] at Sohee or Eggyra card (dahil sobrang mahal). Asa lang kami sa sp regen namin.

Sa maniwala kau or sa hindi, minsan, ako mismo namatay (or yung legit na ka-dual party ko), dahil sa sobrang naubusan ng SP kakaheal sa mga nagpapa-heal at baps para lang 'wag kaming masabihang madamot.

Sa isang paring tulad namin, napakasakit pong masabihan ng madamot. Dahil bago kami naging pari, sumumpa kami kay Sister sa Prontera church "to help others engage in battle who ask for help". Kung hindi kami nag-oo sa kanya, hindi kami magiging pari.

So again, pasensya na brother kung hindi ka namin na-buffs. Salamat po sa pang-unawa.

Profile Pic Zach 2

Technorati Tags: ,